dzme1530.ph

Sen. Binay, nagpaliwanag sa pag-abstain sa MIF Bill

Nagpaliwanag si Sen. Nancy Binay sa kanyang abstention sa botohan sa Maharlika  Investment Fund Bill.

Sinabi ni Binay na sa nakalipas na apat na buwan at napakinggan nya ang deliberasyon sa Maharlika Investment Fund ay nakita niyang mas marami pang tanong ang hindi pa rin malinaw.

Bagamat nauunawaan niya ang pangangailangan na magkarooon ng bagong income source ang bansa ay hindi siya maaaring magbulag-bulagan sa mga kailangan pang ipaliwanag sa pagbuo ng MIF.

Kahit anya maraming pag-amyendang inilagay sa panukala ay kulang pa rin upang ito ay maging balanse at malinaw pa rin ang mga panganib kaysa benepisyo.

Idinagdag pa ni Binay na kapos ang panukala sa mga batayang dapat magsusulong sa interes ng taumbayan, at magbibigay proteksyon sa pondo na dapat pangalagaan.

Bilang elected public servant anya ay pangunahing tungkulin niya ang protektahan ang interes ng bayan.

Umaasa naman siyang hindi magiging malaking pagkakamali ang MIF. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author