dzme1530.ph

Heat, tinambakan ang Celtics sa Game 7 ng Eastern Conference Finals

Aabante ang Miami Heat sa NBA finals makaraang tambakan ang Boston Celtics sa score na 103-84 sa Game 7 ng Eastern Conference Finals na ginanap sa TD Garden sa Boston.

Pinangunahan ni Jimmy Butler na nakapagtala ng 28 points, 7 rebounds at 6 assists ang Miami na una nang nakaungos ng tatlong panalo sa Celtics, habang nag-ambag si Caleb Martin ng 26 points at 10 rebounds.

Makakasagupa ng Heat ang Denver Nuggets para sa kanilang best-of-seven NBA Championship Finals na magsisimula sa Biyernes. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author