dzme1530.ph

Mga kaso ng Omicron subvariant Arcturus, sumampa na sa 28, ayon sa DOH

Pumalo na sa 28 ang bilang ng mga kaso ng Omicron subvariant na XBB.1.16 o Arcturus sa bansa.

Ito ay makatapos maitala ng Department of Health (DOH) ang 17 karagdagang bagong kaso.

Sa nasabing bilang, pito ang naiulat sa Western Visayas, lima sa Davao region, dalawa sa Metro Manila, at tig-isa sa Bicol region, Central Visayas, at MIMAROPA.

Ang XBB.1.16 ay descendent lineage ng XBB, na recombinant ng BA.2 descendent lineages at nakikita na ito ay mas nakakahawa kumpara sa ibang variants ng COVID-19. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author