dzme1530.ph

‘Queen of Rock’N’Roll’ Tina Turner, pumanaw na sa edad na 83

Pumanaw na sa edad na 83 ang Queen of Rock’N’Roll na si Tina Turner matapos ang matagal na pakikipaglaban sa sakit.

Binawian ng buhay ang legendary singer sa kanyang bahay sa Zurich, Switzerland, kahapon, May 24, 2023.

Matagumpay na nakipalaban si Turner sa ilang health issues kabilang na ang stroke, intestinal cancer noong 2016 at total kidney failure kung saan kinailangan niya ang transplant noong 2017.

Bilang one of the longest careers in rock history, apat na dekadang namayagpag ang mga kanta ni Turner sa Billboard Top 40 Hits, nakakuha ng Grammy awards, Kennedy Center Honor at entry sa Rock ‘N’ Roll Hall of Fame.

Nakilala si Turner sa kanyang mga kantang Proud Mary, Come Together at I Want To Take You Higher. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author