dzme1530.ph

Explosive at Bomb Identification Training, isinagawa sa PMO-Zamboanga

Nagsagawa ng limang (5) araw na kursong Explosive Ordinance Reconnaissance Agent (EORA) ang Port Management Office (PMO) ng Zamboanga sa Port Police Division nitong ika-15-19 ng Mayo taong 2023 upang masiguro at mapalakas ang mga pwersang panseguridad at maprotektahan ang mga byahero gayundin ang mga pantalan.

Tinuruan ang tatlongpu’t dalawang (32) kalahok ng explosive identification, bomb threat management, post blast investigation, searching of bomb explosives, at field training exercise bilang culmination activity.

Nagtapos ang closing ceremony sa tradisyunal na pinning ng EORA Badge na nilahukan ng PPD – EOD, PCG – EOD, PCG k-9 at PNP EOD-K9. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News

About The Author