dzme1530.ph

Special Committee para sa restoration sa Central Post Office, balak buuin ng Senado

Isusulong ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang resolusyon upang bumuo ang Senado ng special committee na tututok sa restoration at rehabilitasyon ng nasunog na Central Post Office.

Layun nito na mabantayan ang pagsasaayos ng gusali.

Umaasa si Zubiri na maihahain at maaprubahan ang resolusyon sa susunod na linggo  bago mag-adjourn ang 1st regular session ng 19th Congress.

Una rito, naghain si Senador Robin Padilla ng resolution na nananawagan ng Senate inquiry sa sunog sa post office para matukoy kung posible pa itong mapreserve at maprotektahan ang “cultural properties.”

Kasabay nito ay nanindigan naman si Senador Loren Legarda na hindi dapat wasakin ang gusali at sa halip at irestore na lamang ito. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author