Nalambat ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang 44-anyos na babaeng Chinese dahil sa pagkakasangkot sa large scale pyramiding scam sa kanyang bansa.
Ayon kay Commissioner Norman Tansingco, ang suspect na si Liu Jing, ay nadakip ng fugitive search unit (FSU) ng nasabing bureau sa kanyang tirahan sa isang subdivision sa Biñan, Laguna noong May 19.
Nabatid na hiniling ng Chinese authorities sa Bureau of Immigration na dakpin ang suspek na nakatangay ng US$2.5-M mula sa 300,000 Chinese victims.
Ang suspek ay itinuturing ng undocumented and overstaying alien matapos na kanselahin ng Chinese government ang kanyang pasaporte. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News