dzme1530.ph

K-to-10 curriculum, target ipatupad sa S.Y. 2024-2025

Plano ng Department of Education (DepEd) na maikasa ang bagong K-to-10 curriculum sa SY 2024-2025.

Sinabi ni DepEd Spokesperson Michael Poa na kino-consolidate na nila ang feedback ng publiko upang maikonsidera sa pagsasapinal ng curriculum.

Dagdag pa ni Poa, nasa consultation stage na rin ang pag-review ng kagawaran sa curriculum ng Senior High School.

Samantala, partikular na tinukoy ni Poa na pag-aaralan nila ang ulat ng world population review na “below average” ang intelligence quotient ng mga Pinoy.

About The Author