dzme1530.ph

Sigalot sa Lakas-CMD, konektado sa 2028 Presidential elections —LP

Naniniwala ang opposition Liberal Party (LP) na kunektado sa 2028 presidential elections ang sigalot na nangyayari ngayon sa partidong Lakas-CMD.

Ayon kay Albay Cong. Edcel Lagman, hindi maikakaila na ang pagtanggal kay Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo ng titulong Senior Deputy Speaker na sinundan ng resignation ni Vice President Sara Duterte sa ruling Lakas-CMD ay magkakadugtong.

Sa pagbabalik tanaw ni Lagman, taong 2018 umano sina Arroyo at Duterte ang principal conspirators sa pagsipa noon kay Cong. Pantaleon Alvarez bilang speaker, na siya ring daan ng pag-upo ni GMA bilang Speaker of the House.

Inaasahan din ni Lagman na ang power play at intramurals sa LAKAS ay magreresulta sa marami pang resignations ng mga loyalists nina Duterte at Arroyo.

Bukod pa dyan, may epekto rin umano ito sa napipintong balasahan o revamp sa Marcos cabinet. —sa ulat ni Ed Sarto

About The Author