dzme1530.ph

CGMA, hindi ambisyon maging House Speaker

Naglabas na ng saloobin si Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo, kasunod ng pagtanggal sa kanya bilang Senior Deputy Speaker.

Ayon kay GMA nabalitaan niyang pinaghinalaan siyang nagplano ng coup de etat laban kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

Posible umanong ilan sa kanyang mga ginawa ay “misconstrued” gaya ng byahe nya sa Korea kasama ang ilang House delegation para sa isang official metings.

Inamin ni GMA na inambisyon niyang maging speaker noong 2022 elections, subalit matapos ang halalan nakita niya sa nagwaging si BBM na mas komportable itong maging Speaker of the House ang pinsan nitong si Romualdez.

Bilang dating Pangulo, naunawan niya na ang speaker ay dapat closely asociated sa nakaupong presidente kaya kinalimutan niya ito.

Paliwanag pa nito para sa kalinawan ng lahat, tatlo na lamang umano ang kanyang political objectives, una bilang kinatawan ng 2nd District ng Pampanga, ikalawa, suportahan ang legislative agenda ni Speaker Romualdez at PBBM, at ikatlo, gamitin ang kanyang karanasa bilang dating pangulo ng bansa kung kakailanganin ito.

Sa pahayag na ito umaasa si GMA na matatapos na ang aniya “needless politicking” upang makapag focus na ang Kamara at Pangulo sa kani-kanilang trabaho ng walang sagabal. —sa ulat ni Ed Sarto

About The Author