dzme1530.ph

Ilang political party sa Kamara, nagpahayag ng suporta kay Romualdez

Nagpahayag ng kani-kanilang suporta ang ilang partido politikal sa Kamara kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

Sa statement ng Nationalist Party (NP), una nitong binati si Pampanga Cong. Aurelio Dong Gonzales sa pagkakatalaga nito bilang Senior Deputy Speaker ng 19th Congress.

Kasunod nito tiniyak ni Las Piñas City Representative at Deputy Speaker Camille Villar ang buong suporata ng NP kay Speaker Romualdez at kay Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos, Jr. at ang 8-point Socio-Economic Agenda nito.

Maging ang PDP-LABAN ay naglabas din ng manifesto of support sa Speaker at sa Pangulo dahil sa umano’y magagandang ginagawa nito sa bansa.

Sa panig ng National Unity Party (NUP), muli rin nitong iginiit ang suporta sa supermajority coalition na binuo ni Speaker Romualdez sa Kamara, na nakatulong umano ng malaki sa presidente na masimulan at maabot ang “vision of peace and prosperity” para sa bansa. —sa ulat ni Ed Sarto

About The Author