dzme1530.ph

Death toll sa malawakang pagbaha sa Italy, pumalo na sa 13

Umakyat na sa 13 katao ang bilang ng mga nasawi bunsod ng malawakang pagbaha sa italy.

Ang pagbaha ay dala ng ilang araw na pag-ulan at pag-apaw ng nasa 20 ilog sa lugar.

Halos 300 landslides naman ang naranasan ng mga residente ng Bologna habang pumalo na sa 13,000 mamamayan ang nag-evacuate.

Sa datos na inilabas ni Civil Protection Minister Nello Musumeci, umabot sa 20cm ang lakas ng ulan na bumagsak sa lugar sa loob ng 35 oras habang ang ilang bahagi ng bansa naman ay mayroong hanggang 50 cm. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author