dzme1530.ph

9 Pilipinong biktima ng human trafficking, nasagip sa Thailand at Malaysia

Nasagip at naiuwi sa Pilipinas mula sa Thailand at Malaysia ang siyam na Pilipinong biktima ng Human Trafficking kung saan anim ang mula sa Thailand na umalis sa Pililipinas bilang turista noong huli ng quarter ng 2022

Ni-recruit umano sila ng mga estranghero sa Facebook at pinangakuan ng customer service jobs na may suweldong P40,000 hanggang P60,000.

Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, gaya ng ibang mga kaso sa Southeast Asian Region, ang mga ito ay ibiniyahe sa Mae Sot City at pinilit magtrabaho sa Online Love Scams at Crypto rings.

Ang tatlo pang biktima naman ay umalis sa Pilipinas patungong Malaysia noong last quarter din ng nakaraang taon at ibiniyahe sa pamamagitan ng mga bangka mula Ports of Zamboanga at Tawi-tawi makaraang pangakuan ng trabaho bilang massage therapist sa Miri City.

Gayunman, pinilit din umano ang mga ito na maging sex workers sa spa parlors na nag-aalok ng “extra service.” —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author