Dadalo si Pang. Ferdinand Marcos Jr. sa tatlong events sa labas ng Metro Manila ngayong araw ng Biyernes.
Alas-9 ng umaga, nang saksihan ng Pangulo ang Philippine Navy Capability Demonstration sakay ng BRP Davao del Sur sa San Antonio, Zambales.
Pasado alas-10 ng umaga ay lilipat naman ang Pangulo sa Clark Pampanga para humarap sa mga Gobernador sa 4th General Assembly ng League of Provinces of the Philippines.
Matapos ito ay dederetso si Marcos sa Pagudpud, Ilocos Norte para sa presentasyon ng 160 megawatt pagudpud wind farm, na itinakda alas-3 ng hapon mamaya.
Samantala, sa araw ng linggo ay magsisilbi namang panauhing pandangal ang Pangulo sa Commencement Exercises ng PMA Madasigon Class of 2023 sa Baguio City. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News