dzme1530.ph

Abandonadong bagahe na naglalaman ng P19-M halaga ng hinihinalang shabu, naharang ng BOC sa NAIA

Tinatayang aabot sa P19-M ang halaga ng illegal na droga ang naharang ng Bureau of Customs (BOC) sa NAIA terminal 1.

Ayon kay Customs District Collector Atty. Yasmin Mapa, isang abandunadong bagahe sakay ng PAL flight PR-737 mula Bangkok at may flight origin mula Addis Ababa kung saan nakalagay ang 2.8kg na hinihinalang shabu.

Natuklasan ang laman ng bagahe ni Norman Penaflor x-ray operator ng idaan ito sa x-ray machine ng BOC sa NAIA.

Isiningit sa loob ng bagahe ang range tools at ang 2.8 kgs na hinihinalang shabu.

Samantala, nai-turn-over na ng BOC sa NAIA-PDEA ang naturang bagahe para sa karagdagang imbestigasyon. —sa ulat ni Tony Gildo

About The Author