dzme1530.ph

DTI, hindi sigurado kung makakapagpatupad ng total ban sa vape products

Inihayag ng Department of Trade and Industry (DTI) na hindi pa sigurado kung makakapag-patupad ng total ban sa paggamit ng vape products sa bansa.

Ayon kay Trade Undersecretary Ruth Castelo, maliban sa isa itong negosyo, isang industriya rin ang vape sa bansa kung kaya’t hindi basta-basta ang pagpapatupad ng total ban.

Kung sumusunod naman aniya sa batas ang mga nagbibenta ng vape products, walang rason para sila ay tuluyang ipagbawal.

Gayunman, tiniyak ni Castelo na gumagawa ng ilang hakbang ang DTI para kumbinsihin ang mga consumer na wag bumili.

Gaya ng paglalagay ng advocacy materials sa lahat ng istasyon o terminals ng mga pampublikong sasakyan, maging sa mga lugar na malapit sa eskwelahan at sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Layunin nito na maturuan ang publiko partikular na ang mga kabataan ng masamang dulot sa kalusugan ng vape products. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author