dzme1530.ph

DOT, ipinagtanggol ang mensahe ng isang advertisement na nakita sa UK

Dinepensahan ng Department of Tourism (DOT) ang inalmahang bagong Philippine branding na namataan sa isang advertisement sa United Kingdom.

Nabatid na nagpahayag ng pagkabahala si Senate Committee on Tourism Chairperson Nancy Binay sa nasabing advertisement kung saan tampok ang Filipino-British nurse na si May Parson katabi ang mensaheng “We give the world our best. The Philippines.”

Ayon kay Binay, hindi malinaw ang mensahe ng ad at posibleng magbigay ng maling imahe sa bansa.

Ngunit para kay Tourism Sec. Christina Garcia Frasco, ang mensahe ng ad ay ‘statement of fact’ ng kung anong maiaalok ng bansa sa mundo tulad na lamang ng best beaches, best sites, best nature destinations at best tour guides.

Kasunod nito, binigyang diin ng kalihim na hindi ito ang bagong tourism brand ng bansa bagkus ay ideya lamang ng Office of the Presidential Adviser on Creative Communications (OPACC).

About The Author