dzme1530.ph

P64K monthly salary para sa government nurses, isinulong sa Kamara

Isinusulong ni House Minority Leader Marcelino Libanan sa Kamara ang pagpasa sa panukalang P64,000 starting monthly salary para sa government nurses.
 
Ayon sa mambabatas, isang urgent matter ang umento sa sahod ng public hostial nurses sa bansa.
 
Aniya, nararapat lamang na mapagkalooban ng competitive salary at sapat na benepisyo ang mga nurse upang maipagpatuloy nila ang pagseserbisyo sa bansa.
 
Nabatid na sa ilalim ng House Bill 5276 na inilathala ni Quezon City Rep. Marvin Rillo, layon nitong amyendahan ang Philippine Nursing Law, na aniya’y banta sa healthcare industry ng Pilipinas. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author