dzme1530.ph

Pagtanggi ng Timor-Leste sa hiling na asylum ni Arnie Teves, welcome sa biyuda ni Gov. Roel Degamo

Welcome sa biyuda ni Negros Oriental Governor Roel Degamo ang pagtanggi ng pamahalaan ng Timor-Leste sa hiling na political asylum ni suspended Cong. Arnolfo Teves Jr.

Kasabay nito ay hinamon ni Pamplona Mayor Janice Degamo si Teves na harapin ang mga kasong isinampa laban dito, sa halip na ipilit nito na nakararanas ito ng political persecution.

Iginiit ni ginang Degamo na si Teves ang itinuturong utak sa pagpatay sa kanyang asawa at siyam na iba pa, kaya mas mainam na umuwi na ito sa bansa.

Una nang inihayag ng DFA na kasabay ng pagtanggi ng Timor-Leste sa hiling na asylum sa suspendidong kongresista ay binigyan ito ng limang araw para lisanin ang bansa at maari rin nitong iapela ang desisyon. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author