dzme1530.ph

LTO, magbibigay ng 2-day TDC sa pagdiriwang ng kanilang 111th Anniversary

Magkakasa ng libreng 2-day Theoretical Driving Course (TDC) seminar ang Land Transportation Office (LTO) bilang parte ng kanilang pagdiriwang ng ika-111th anniversary.

Ayon kay LTO-NCR West Director Roque Verzosa, ang libreng TDC seminar ay malaking tulong para sa mga mag-aapply ng student permit at driver’s license partikular na ang mga kapos sa perang pambayad sa mga driving school.

Ang libreng 15-hour TDC aniya ay magsisimula sa May 11 hanggang 12 mula alas-8:00 ng umaga hanggang ala-5:00 ng hapon.

Maliban sa LTO-NCR-West Main Office sa Araneta Avenue, Quezon City, magbibigay din ng libreng TDC ang Pasay City Licensing Center (PCLC) sa Domestic Road, Pasay City.

Ngunit paalala ni Versoza sa mga magpapa-register, na sa oras na makumpirma na ang kanilang appointment ay non-transferable na ito at non-rebookable dahil limitado lamang aniya ang kanilang bubuksang slots para dito. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author