dzme1530.ph

Benepisyo ng raisin sa ating digestive system, alamin!

Ang raisin o pasas ay itinuturing na healthy snack at panghalili sa mga sugar-rich product gaya ng candies.

Taglay ng raisin ang soluble fiber na nakapagbibigay ng laxative effect o panunaw sa ating mga kinain.

Mabisa rin ang pagkaing ito para sa mga nakararanas ng constipation o iyong hirap sa pagdumi.

Mainam din ang raisin upang maiwasan ang gastrointestinal problem dahil ito ay may taglay na anti-inflammatory properties.

Kaya naman payo ng mga eksperto, isama sa inyong diet ang raisin kasabay ng pagpapa-alala na maghinay lang din dahil sa mataas ang sugar content nito. – sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author