dzme1530.ph

Water level sa malalaking dam, patuloy sa pagbaba

Patuloy sa pagbaba ang antas ng tubig sa limang malalaking dam sa Luzon.

Ayon sa PAGASA, kinabibilangan ito ng Angat at Ipo sa Bulacan, La Mesa sa Quezon City, San Roque sa Cordillera at Caliraya sa Laguna.

Hanggang kaninang ala-6:00 ng umaga, nasa 193.72 meters ang water level sa Angat Dam, mas mababa ng 0.18 meter mula sa 193.90 meters kahapon.

Bumaba rin sa 98.89 meters ang antas ng tubig sa Ipo Dam, gayundin ang La Mesa Dam na nasa 76.88 meters; San Roque Dam, 231.92 meters; at Caliraya Dam, 286.89 meters.

Samantala, tumaas naman tubig sa pantabangan dam sa Nueva Ecija at Binga Dam sa Benguet, subalit mas mababa pa rin sa normal ang kanilang lebel. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author