dzme1530.ph

Nora Aunor, dinaan-daanan na lang umano ng younger stars

Dismayado si Philippine cinema’s “Superstar” Nora Aunor sa kaniyang napansin sa mga younger stars ngayon.

Ibinahagi niya sa isang panayam na kadalasang dinaan-daanan na lamang siya ng mga kabataang artista sa tuwing nakakasalubong niya ang mga ito.

Dagdag pa ni Ate Guy, mabibilang na lang ngayon ang mga artistang may respeto, kadalasan aniya ay di manlang magpasintabi sa isang veteran.

Kinumpara niya ito sa kanilang upbringing noon pagdating sa showbiz industry na talagang malayong malayo aniya ang diperensya dahil nagbibigay-pugay daw sila sa mga senior stars o yung mga artista na nauna sa kanila.

Kung kaya pinaalalahanan ng tinaguriang National Artist of the Philippines for Film and Broadcast Arts in 2022 ang mga baguhan sa industriya na ugaliing rumespeto sa kapwa, hindi lang sa kapwa nila artista bagkus sa lahat ng tao lalo na sa nakatatanda. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author