dzme1530.ph

Higit 400, patay sa malawakang pagbaha sa Democratic Republic of Congo

Pumalo na sa mahigit 400 katao ang napaulat na nasawi bunsod ng malawakang pagbaha sa Democratic Republic of Congo.

Karamihan sa mga nasawi ay mula sa mga bayan ng Bushushu at Nyamukubi, sa probinsya ng South Kivu dahil sa walang tigil na pag-ulan simula pa noong nakaraang linggo.

Ayon kay South Kivu Kalehe Territory Provincial Governor Theo Kasi, umapaw ang ilog sa lugar at nagdulot ng mudslides kaya nahirapan ang mga rescuers na iligtas ang mga residente dahil sa makapal na putik.

Gayunman, tuloy-tuloy pa rin ang ginagawang search and rescue operation sa lugar na apektado ng pagbaha. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author