dzme1530.ph

COVID vaxx, pinasasama sa ‘Government Inoculation Program’

Umapela si vaccine expert Dr. Rontgene Solante sa pamahalaan na isama sa ‘Government Inoculation Program’ ang pagbabakuna kontra COVID-19.

Ayon kay Solante, ito ay upang palakasin ang proteksyon ng publko laban sa virus.

Dapat aniyang gawin ng Department of Health ang COVID vaccination bilang bahagi ng pagbabakuna o ng regular vaccination program ng gobyerno.

Aniya, bagama’t hindi na kinukunsidera ng World Health Organization (WHO) na Global Health Emergency ang COVID-19 ay mahalaga pa rin na siguraduhing ligtas ang mga Pilipino sa banta nito.

Dagdag pa ng eksperto, kailangan na suriin munang maigi ang natitirang COVID-19 resctrictions dahil malaki pa rin ang epekto nito sa buhay ng mga mamamayan lalo na ngayong muli na namang sumisirit ang kaso nito. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author