dzme1530.ph

Pag-aasign ng mga tao sa drug unit ng PNP, mahigpit na sinasala

Nagpatupad ang Philipine National Police (PNP) ng mahigpit na pagsala sa mga pulis na naka-assign sa iba’t ibang unit ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG).

Ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, may direktiba nang ibinaba na nag-aatas sa mga station Commander na isailalim sa vetting process ang mga pulis na itatalaga sa mga Drug Enforcement Unit (DEU).

Kinakailangang pumirma ang mga station Commander sa dokumento kung saan nakasaad na nagsagawa sila ng mahigpit na background check sa mga naturang pulis.

Kung sakaling masangkot sa ilegal na aktibidad ang pulis na nakalusot sa background check, makakasuhan ng serious neglect of duty ang mga local commander, kasama na rin ang provincial director at regional director.

Matatandaang, naaresto si Police Master Sgt. Rodolfo Mayo Jr. sa kaso ng 990 kilo ng shabu na narekober sa kanyang lending Agency noong nakaraang taon, gayundin ang mga matataas na opisyal ng PNP. —sa ulat ni Jay de Castro

About The Author