dzme1530.ph

Mahigit ₱1-M halaga ng puslit na sigarilyo, naharang ng PNP-CIDG

Nalambat ng mga tauhan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang isang truck na naglalaman ng 70 master cases ng puslit na sigarilyo.

Ayon kay PNP-CIDG Director, Police Brigadier General Romeo Caramat Jr.  kasunod ito ng ikinasang operasyon ng CIDG Davao City Field Unit at ng Bunawan Police Station, sa Maharlika Highway sa Brgy. Ilang Davao City.

Sa operasyon, anim na lalaki ang naaresto habang dalawang menor de edad naman ang nasagip na nasa 16 at 13 taong gulang matapos mahuli sa akto na naghahakot ng kahon-kahong sigarilyo, na nagkakahalaga ng ₱1,190,000.00 at walang kaukulang permit.

Kasalukuyang hawak na ng Bunawan Police Station ang mga naaresto habang dinala naman sa Women and Children Protection Desk ang dalawang nasagip na menor de edad.

Nahaharap naman sa mga kasong paglabag sa Republic Act 10863 o Customs Modernization ang mga nahuling suspek. —sa ulat ni Jay de Castro

Maaaring larawan ng text

About The Author