dzme1530.ph

7 patay sa karambola ng mga sasakyan sa Illinois

Patay ang nasa pitong katao matapos magkarambola ang nasa 70 sasakyan sa kakabukas lang na interstate sa Central Illinois dahil sa dust storm.

Bukod dito, ayon kay Illinois State Police Major Ryan Starrick, 37 katao kabilang ang mga bata ang nasugatan at nagtamo ng life-treatening to minor injury bunsod ng insidente.

Zero visibility aniya ang sanhi ng salpukan ng mga sasakyan dahil sa sobrang hangin na umiihip ng dumi mula sa mga bukid sa buong highway.

Patuloy pang inaalam ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng mga sangkot sa aksidente para ibalita sa kanilang mga pamilya ang nangyari.

Samantala sinabi ng Illinois Department of Transportation na nangyari ang banggaan sa parehong north at southbound lanes ngunit ang pinaka-napuruhan at nagtamo ng maraming bilang ng nasawi ay yung mga nasa northbound lane. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author