Plano ng Commission on Audit (coa) na makamit ang pag-digitize public auditing processes o ‘E-Audit’ system sa susunod na pitong taon.
Ayon kay COA Chairperson Gamaliel Cordoba, nasa 140 senior COA officials at mga commissioners ang ginawang miyembro ng planning conference para pagplanuhan ang mga gagawing istratehiya.
Kabilang na dito ang 10-Point Agenda na may layong magpatupad ng technology driven government accounting system na compliant sa international standards; e-audit, automated audit system para sa e-collections at e-payments at paggamit ng artificial intelligence sa malalaking data para matukoy ang mga fraud o patterns.
Maiakma ang mga kasalukuyang rules and regulations at pag-update ng audit guidelines para sa e-payment.
Isa rin sa mga isinusulong ng COA chairman ang training ng mga auditor at iba pang tauhan na sangkot sa financial transactions.
Kasunod nito, ipangako ni Cordoba na tutugunan niya ang problema sa backlog na dulot ng pandemya. —sa panulat ni Jam Tarrayo