dzme1530.ph

Tukomi Brothers, pinag-aaralan ipasara ng PNP matapos ang kidnapping prank

Pinag-aaralan ng Philippine National Police (PNP) ang pagpapasara ng online accounts ng Tukomi Brothers matapos ang kidnapping prank na ginawa nito sa kanilang Youtube account na may mahigit 4-M subscriber.

Ayon sa pahayag ng PNP Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, dahil sa kanilang ginawang kidnapping prank kamakailan ay nasaksihan ng isang off-duty na pulis ang fake kidnapping, na muntik nang matuloy sa enkwentro.

Paliwanag ni Fajardo, ang ganitong prank ay delikado lalo pa’t tungkulin ng mga pulis na rumesponde sa anumang masaksihang banta sa seguridad.

Paalala ni Fajardo sa mga content creator sa social media na iwasang gumawa ng mga prank na posibleng ikapahamak nila at makokompromiso ang mga PNP personel na posibleng gayahin din ng ilan. —sa ulat ni Jay de Castro

 

About The Author