dzme1530.ph

Lie Reposposa at British fiance, nagkaroon ng language barrier

Kilig na kilig na ibinahagi ng dating PBB housemate na si Lie Reposposa kung paano sila nagkakilala ng British fiance na si Paul Joshua Marsden.

Sa kanyang interview, inamin ni Lie na nahirapan siyang makipag-usap sa nobyo noong una kaya gumagamit daw siya ng Google translate paminsan-minsan.

Dagdag ni Lie, nagtataka nga daw si Paul kung bakit matagal siyang mag-reply ang hindi daw nito alam ay binubuo pa niya ang kanyang mga sasabihin at isinasalin pa niya sa wikang Ingles.

Aminado naman si Lie na hindi madali ang kanyang pinagdaanan at sakripisyo para kay Paul at ganun din ang si Paul sa kanya.

Kung kaya’t talagang pinaghahandaan niya ang pagbisita ni Paul sa Pilipinas. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author