dzme1530.ph

Lizquen, hindi nagpaabot ng pakikiramay kay Ogie Diaz

Hindi man lang daw nagpadala ng anumang klase ng pakikiramay si Liza Soberano sa kanyang dating manager na si Ogie Diaz sa pagpanaw ng kanyang ina.

Ayon kay Ogie, wala pa siyang natatanggap na Viber o text mula kay Liza.

Marahil ay busy lang aniya ito kaya hindi nakapag-abot ng pakikiramay sa kanya.

Dagdag pa ni Ogie, hindi siya pwedeng magdikta kung sino ang gustong makiramay kaysa hindi niya maramdaman ang sensiridad ng pakikiramay.

Ngunit maging ang boyfriend ni Liza na si Emrique Gil ay hindi rin umano nagparating ng pakikiramamay sa kanya.

Nabatid na April 24 nang pumanaw ang ina ni Ogie sa edad na 87. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author