dzme1530.ph

Pambansang Kolokoy, may buwelta sa isang news agency

Matapang na binuweltahan ni Joel Mondina o mas kilala bilang Pambansang Kolokoy ang isang news agency.

Ito ay matapos maglabas ng article ang news outlet tungkol sa kanilang panayam kay Miss Grace, dating maybahay ni Joel.

Ayon sa vlogger, fake news ang article dahil side lamang ni Miss Grace sa issue ang hiningi nito.

Pinabulaanan din nito sa kanyang facebook post na siya ay nagkaroon ng affair habang sila pa ni Miss Grace dahil simula pa lang aniya ng 2021 ay nag file na ito ng “uncontested” divorce.

Paglilinaw pa ni Pambansang Kolokoy, November 2021 pa nabuo si Baby Juju, anak nila ng actress/comedienne na si Gladys Guevarra. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author