dzme1530.ph

Amy Austria, umamin na dating drug addict

Matapang na inamin ni Amy Austria na siya ay dating drug addict.

Ayon kay Amy, gumamit siya ng iligal na droga sa kanyang early year sa showbiz industry kaya siya nakagawa ng mga hindi magandang bagay.

Sa sobrang pagkalugmok, umabot pa sa puntong nanghingi siya ng tulong kay Christpher de Leon para mag-retreat.

Pagkatapos naman aniya ng retreat ay naramdaman niyang dininig ng Diyos ang panalangin niyang maging maayos at gumaling.

Ani Amy, sa anim na taon na sinusubukan niyang gumaling ng siya lang, ginawa ni Lord na paggalingin siya ng tatlong araw lang. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author