dzme1530.ph

MONITORING SA MGA ONLINE PLATFORMS NA NAGBEBENTA NG ILIGAL NA PAPUTOK, PINAIGTING NG PNP

Loading

PINAIGTING ng Philippine National Police ang monitoring sa mga online platforms upang masawata ang pagbebenta ng ilegal na paputok sa pagpasok ng holiday season.
 
Ito ay kasunod ng pag-aresto sa isang online seller sa Malanday, Valenzuela dahil sa pagbebenta ng prohibited firecrackers sa social media.
 
Sinabi ni PNP Chief, Police General Jose Melencio Nartatez Jr. na palalawakin nila ang monitoring upang mahuli ang mga lumalabag sa batas at maiwasan ang anumang aksidente dulot ng mga ilegal na paputok.
 
Hinikayat din ni Nartatez ang publiko na agad i-report ang mga sangkot sa pagbebenta ng illegal firecrackers online.

About The Author