dzme1530.ph

P1.987 BILLION REFUND, IPINAG-UTOS NG ERC SA MERALCO

Loading

Inatasan ng Energy Regulatory Commission ang Manila Electric Company o Meralco na i-refund sa mga kliyente nito ang ₱1.987 billion.
 
Ito ay dahil sa pension at employee benefit expenses na siningil ng Meralco nang walang pahintulot sa ERC.
 
Ipatutupad ang refund sa pamamagitan ng susunod na billing cycle na aabot sa ₱0.1536 kada kilowatt hour.
 
Ang mga residential consumers ay makatatanggap ng mas mataas na refund rate na aabot sa ₱0.2611 per kilowatt hour.
 
Katumbas ito ng ₱52 na refund kada buwan sa mga kumokonsumo ng 200 kilowatt hour o ₱156 sa loob ng tatlong buwan.
 
Ipinag-utos din ng ERC na ilagay sa electricity bill ang line item para sa refund upang maipabatid sa kanilang mga consumer.

About The Author