dzme1530.ph

PANUKALANG PONDO NG DEPARTMENT OF AGRICULTURE SA SUSUNOD NA TAON, TINIYAK NA EL NIÑO READY

Loading

“EL Niño ready”
 
Ganito inilarawan ni Senate President Sherwin Gatchalian ang panukalang pondo para sa Department of Agriculture sa susunod na taon.
 
Sa budget deliberations sa Senado, pinasalamatan ni Gatchalian ang sponsor ng budget na si Senador Kiko Pangilinan sa pagtiyak na maglalaan ng pondo sa pagtugon sa epekto ng matinding El Niño.
 
Narito ang bahagi ng pahayag ni Senate President Sherwin Gatchalian.
 
Sa pagtalakay, inilatag ni Pangilinan ang kabuuang halaga na inilaan sa DA na aabot sa ₱203.560 billion.
 
Kasama sa pondo ang ₱1 billion na nakalaan para sa Quick Response Fund upang mabilis na makatulong sa mga magsasaka na tatamaan ng tagtuyot.
 
Sa pagtaya kasi ng DA, posibleng tamaan ang 4.6 milyong Pilipino na nasa sektor ng agrikultura.

About The Author