![]()
Lusot na sa deliberasyon sa plenaryo ng Senado ang panukalang ₱84.1 billion budget ng Judiciary.
Ito ay nang walang sinumang senador ang nagpahayag ng interes na mag-interpellate sa panukalang budget para sa Korte Suprema at lower courts, Court of Appeals, Sandiganbayan, Court of Tax Appeals at Presidential Electoral Tribunal.
Sinabi ng sponsor ng budget na si Senador Francis Kiko Pangilinan na dapat igalang ang fiscal autonomy ng hudikatura at bigyan ang sambayanan ng sistemang pangkatarungang nararapat sa tiwala ng lahat.
Ito ang unang Judiciary budget sa ilalim ng bagong talagang Chief Justice na si Rodil Zalameda na nanungkulan nitong unang bahagi ng November.
