dzme1530.ph

SCHEDULE NG PAGLILITIS SA KASO NI DATING PANGULONG RODRIGO DUTERTE, INILABAS NG ICC

Loading

Inilabas ng International Criminal Court o ICC ang schedule ng paglilitis kay dating Pangulong Rodrigo Duterte na magsisimula sa Lunes, November 30.
 
Sa order ng ICC Trial Chamber 3, tatagal ang paglilitis sa kasong crimes against humanity ng dating pangulo hanggang April 2027.
 
Bibigyan ng 2 hours and 15 minutes ang prosecution para ilahad ang kanilang kaso habang isa’t kalahating oras naman para sa kinatawan ng mga biktima.
 
Bibigyan din ng isang oras ang kampo ni Duterte upang ilahad ang kanilang depensa bago simulan ang testimonya ng unang testigo ng prosecution.
 
Apat na sesyon ang gagawin kada araw simula sa November 30 mula 5 PM hanggang 11 PM, oras dito sa Pilipinas.
 
Magkakaroon naman ng judicial recess sa December 18.
 
Itinakda naman ang presentasyon ng ebidensya ng prosecution sa tatlong bahagi sa 2027, kabilang mula January 12 hanggang February 19; March 1 hanggang 24 at April 5 hanggang 30.
 
Inaasahang aabot ng 100 ang testigo ng prosecution sa paglilitis.

About The Author