![]()
Pormal na humiling ang Pilipinas ng anim na brand-new Boeing CH-47 Chinook heavy-lift helicopters mula sa Estados Unidos.
Ito ay sa ilalim ng $2-billion military financing package na naunang inanunsyo ni US President Donald Trump.
Sinabi ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na ang acquisition ay magpapalakas sa airlift capabilities ng AFP, partikular sa pag-transport ng mga tropa, heavy equipment at mga sasakyan sa buong bansa.
Nakapaloob sa request ang integrated logistics support and crew training.
Ayon kay Teodoro, posibleng ma-deliver ang mga helicopter sa 2029.
