![]()
Ibinunyag ni Ruffa Gutierrez na bati na ang kanyang ina na si Annabelle Rama at dating sister-in-law na si Sarah Lahbati.
Ibinahagi ng aktres at dating beauty queen na simula nang pumanaw ang isa pa niyang hipag na si Alexa Uichico-Gutierrez, ay ayos na ang kanyang mommy at si Sarah, bagaman hindi iyon alam ng mga tao.
2024 nang maghiwalay sina Sarah at Richard Gutierrez.
Umaasa naman si Ruffa na titigilan na ng publiko ang pag-a-assume tungkol sa relasyon ng kanilang pamilya.
Aniya, nais na nilang mag-move forward para matutukan ang mga anak nina Sarah at Richard na sina Kai at Zion.
