![]()
Nakabawi ang piso laban sa dolyar kasabay ng pagbaba ng global fuel prices.
Nagsara ang palitan kahapon sa ₱63.775 per dollar mula sa ₱63.845 per dollar noong Lunes.
Ayon kay Rizal Commercial Banking Corp. (RCBC) Chief Economist Michael Ricafort, ang pagbangon ng local currency ay kasunod ng mas mababang global crude oil prices na maaaring magpahupa sa inflationary pressures.
Maaari rin itong makatulong para mabawasan ang import bill at trade deficit.
