dzme1530.ph

PANUKALANG IBABA SA 56 ANG OPTIONAL RETIREMENT AGE, APRUBADO NA SA THIRD AND FINAL READING SA KAMARA

Loading

Aprubado na sa 3rd and final reading ang panukalang ibinababa sa 56 years old ang optional retirement age mula sa kasalukuyang 60 years old.
 
Sa ilalim ng HB No. 10995, kung saan pangunahing may-akda sina House Speaker Faustino Bojie Dy III at House Majority Leader Sandro Marcos, inaamyendahan nito ang Section 13-A ng Republic Act No. 8291 o ang “Gov’t Service Insurance Act of 1997.”
 
Sa bersyong inaprubahan, sinumang GSIS member na umabot na sa 56 years ang edad at nakapagserbisyo ng at least 15 years at wala pang tinatanggap na monthly pension benefit gaya ng permanent disability ay sakop nito.
 
Ang optional retirement at awtomatikong qualified sa retirement benefits mula sa GSIS.
 
Paliwanag ng mga author, pagkakataon din ito sa mga retirees na ma-enjoy pa nang mahabang panahon ang benepisyo kasama ng kanilang pamilya.
 
Oportunidad din ito na maipagpatuloy pa ang ibang passion o field of endeavor ng mga mag-a-avail.

About The Author