dzme1530.ph

CYBER LIBEL AT UNJUST VEXATION COMPLAINTS NA ISINAMPA NI CONG. TOBY TIANGCO LABAN KAY JESUS FALCIS, INIREKOMENDANG IAKYAT SA KORTE

Loading

Inirekomenda ng Office of the City Prosecutor sa Malabon ang paghahain ng one count of cyber libel at three counts of unjust vexation laban sa political commentator na si Jesus Falcis, kasunod ng reklamong isinampa ni Navotas City Rep. Toby Tiangco.
 
Batay sa resolusyon na nilagdaan ni Assistant City Prosecutor Rafael Pangilinan, nakakita ng probable cause ang prosecutors para kasuhan si Falcis sa korte.
 
Unang nagsampa si Tiangco ng reklamong 38 counts of cyber libel, subalit sa final resolution ay inirekomenda ng prosecutors ang single count ng cyber libel na may piyansang itinakda sa ₱10,000.
 
Binigyan din ng go signal ng prosecutors ang three counts ng unjust vexation sa ilalim ng Article 287 ng Revised Penal Code, in relation to Section 6 ng Cybercrime Prevention Act, na hindi kailangan ng piyansa maliban na lamang kung ipag-uutos ng korte.
 
Sinabi ni Tiangco na isinampa niya ang cyber libel raps laban kay Falcis dahil sa sunod-sunod na social media statements na ipinost nito laban sa kanya simula noong 2025.

About The Author