![]()
Pinuri ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Filipina tennis superstar Alex Eala sa pagsisilbi nito bilang paalala sa mga kababayan na nakaka-proud maging Pilipino.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa homecoming event ni Eala sa Pasig City na dinaluhan din nina Olympic gold medalist weightlifter Hidilyn Diaz at Filipino Olympian pole vaulter EJ Obiena.
Pinangunahan din ni Pangulong Marcos ang ceremonial serve sa indoor tennis court ng venue kung saan nagkaroon sila ng maikling rally ng world No. 15, na ikinatuwa ng audience.
Maging si Education Secretary Sonny Angara ay game na game ding nakipaglaro ng tennis kay Alex.
