![]()
Wagi ang Memphis Grizzlies laban sa Charlotte Hornets, 117-111, sa nagpapatuloy na 2026-2027 NBA regular season.
Ito ang ika-anim na panalo ng Grizzlies sa kanilang seven-game stretch.
Pinangunahan ni Ty Jerome ang Memphis sa 29 points habang nag-ambag sina Cam Spencer ng 24 points at Cedric Coward ng 16 points.
Nakapagtala naman ang rookie na si Christian Anderson ng season-high na 25 points para sa Hornets, na nagtamo ng ika-limang sunod na talo.
