![]()
Pinalawig ng Samahang Manibela, Mananakay at Nagkaisang Terminal ng Transportasyon o Manibela ang kanilang transport strike hanggang bukas.
Sinabi ni Manibela Chairperson Mar Valbuena na mag-iisyu din sila ng advisory kung palalawigin pa nilang muli ang protesta.
Binigyang-diin ni Valbuena na mananatiling hindi mamamasada ang mga jeepney drivers bilang protesta laban sa pagtalaga ng mga korap na opisyal.
Isinalaysay din ni Valbuena na sa kabila ng pakikipag-usap nila kay Transportation Secretary Vince Dizon ay wala namang konkretong solusyon na nabuo.
Inilunsad ng grupo ang transport strike bilang pagtutol sa umano’y pagsibak kay LTO Chief Assistant Secretary Markus Lacanilao.
