dzme1530.ph

2027 EDUCATION BUDGET, TINIYAK NA SUSURIING MABUTI SA SENADO

Loading

NANGAKO si Senate President Sherwin Gatchalian na masusing susuriin ng Senado ang 2027 education budget upang matiyak na magpapatuloy ang mahahalagang programa para sa pagkatuto at nutrisyon ng mga mag-aaral.
 
Binigyang-diin ni Gatchalian ang pangangailangang mapanatili ang mga repormang nakamit sa ilalim ng 2026 budget na naglaan ng rekord na P1.3 trilyon para sa edukasyon.
 
Gayunman, kapansin-pansin aniya ang malaking bawas sa pondo ng mahahalagang programa. Walang nakalaang hiwalay na pondo para sa ARAL Program sa 2027 panukalang budget, mula sa P8.9 bilyon noong 2026.
 
Bumaba rin sa P11.43 bilyon ang panukalang pondo para sa School-Based Feeding Program mula sa P25.7 bilyon noong nakaraang taon.
 
Dahil dito, iginiit ni Gatchalian na kailangang matiyak ang sapat na pondo upang hindi maantala ang mga programang mahalaga sa edukasyon at kapakanan ng mga mag-aaral at guro.

About The Author