![]()
Isinilang na ni Kiray Celis ang kanilang panganay na anak ng mister na si Stephan Estopia.
Inanunsyo ng aktres ang magandang balita sa pamamagitan ng Instagram, kasabay ng pagbabahagi ng video ng kanyang childbirth journey sa Makati Medical Center.
Inanunsyo ni Kiray ang kanyang pagbubuntis noong Abril at makalipas ang isang buwan ay ibinunyag nila ni Stephan na magkakaroon sila ng baby boy.
December 2025 nang magpakasal ang dalawa, matapos ma-engage noong Abril ng nasabing taon.
