dzme1530.ph

PILIPINAS, ITINURNOVER NA ANG ASEAN CHAIRSHIP SA SINGAPORE

Loading

Naiturn over na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Singapore ang chairmanship sa ASEAN.
 
Kasabay nito, idineklara ni PBBM na tagumpay ang naging hosting ng bansa sa 49th ASEAN Summit and Related Summits dahil sa dami ng mga natapos na kasunduan.
 
Isa sa pinakamalaking achievement, ayon kay Marcos, ay ang paglagda sa Digital Economy Framework Agreement o DEFA.
 
Ito, aniya, ay first-of-its-kind regional framework na tumatalakay sa digital economy, safety at trade.
 
Ilan pa sa mga natalakay sa summit ang regional oil stockpiling strategy, ASEAN Power Grid, food security, kasama ang Myanmar at South China Sea Code of Conduct.
 
Pinalitan naman ang emblem ng ASEAN dahil sa pagpasok ng Timor-Leste.

About The Author